Huwag maging mapusok

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang inyo akong Grace. Hindi ko naman pinagpipilitan ang sarili ko sa magiging mister ko, kung ayaw talaga niyang magsama kami o kaya’y panagutan ang magi-ging anak namin.

Nakalulungkot lang Grace pa naman ang pangalan ko tapos na-disgrace ako ng lala-king iyon. Ayaw niya kasi akong panagutan, dahil hindi raw siya sigurado na sa kanya ang dinadala ko sa aking sinapupunan. Marami pa siyang alibi, kesyo hindi pa siya handa.

Naaawa ako noon sa mga nabubuntis tapos iniiwan. Ngayon, ako na ang kinakaawaan ng mga magulang ko. Sinabi ko sa kanila na wala silang dapat ikabahala. Tanggapin man ako ng lalaking minahal ko o hindi, itataguyod ko pa rin ang kinabukasan ng magiging anak namin.

Inaamin ko naman na ginusto ko ang lahat at wala akong pinagsisisihan sa nangyari sa amin, dahil sa pagmamahal at tiwala ko sa kanya.

Nanghihinayang ang magulang ko dahil mahihinto ako sa pag-aaral dulot ng pagbubuntis ko. Pero sinabi ko sa kanila na hindi pa katapusan ng mundo para sa akin at sa magiging anak ko.

Mahal ko ang ama ng aking magiging anak, pero hindi ko siya mapipilit kung ayaw niya. Pagsisisihan niya ang kanyang kaduwagan.

Grace

Dear Grace,

Minsan sa kagustuhan nating ma-ging maayos ang ating buhay, nagiging kumplikado ito dahil sa mga taong pinagkatiwalaan, minahal at mang-iiwan lang pala.

Tama ka kung hindi siya duwag, harapin niya ng kanyang responsibilidad.

Mahirap pagkatapos gumawa ng bata, nagkaka-amnesiya  na ang lalaki. Ano ba ‘yan?

Para na rin sa lahat ng mga binatang may gf.

Panagutan ninyo kung may gagawin kayo. Pero kung hindi handa, huwag maging mapusok.

DR. LOVE

Show comments