Nagseselos sa Boss ng gf

Dear Dr. Love,

Maliit na bagay lang sana ang pinag-awayan namin ng bf ko.  Christmas party namin, marami akong bitbitin kaya naki-angkas ako sa boss ko at nagpahatid sa bahay namin.

Tawagin na lamang ninyo akong Merly. Minasama ‘yon ng bf ko. Delicadeza ang sabi niya. Kitang kita ko sa mukha niya ang selos kahit i-deny niya.

Sana raw nag-chat ako sa kanya para wala kaming problema. Nag-iinom at nagwawala siya kapag nalasing. Hindi naman siya ganon. Hindi ko naman naisip na magagalit siya sa akin.  Ngayon galit na rin ako dahil hindi niya ako maintindihan.

Sobra na, pati ang boss ko na napakabait sa akin, pagseselosan niya. Noon pa ayaw niyang makita na kinakausap ko ng boss ko.

Sinabihan ko na siya na huwag siyang magselos at hindi ko papatulan ang boss ko. Ayaw ko makasira ng pamilya. Parang gusto ko munang mag-cool off kami.

Ano po ba ng maganda kong gawin? Ayaw ko pa naman na lagi akong sinasabihan kung ang gagawin ko. Para kasing wala siyang tiwala.

Merly

Dear Merly,

Madaling magselos ang mga lalaki dahil ayaw nilang matawag na loser. Pwede ka namang gumagawa ng paraan para mapatunayan mo sa kanya na hindi mo siya ipagpapalit sa boss mo. O kung dumistansiya ka muna sa boss mo, baka sobrang close kayo kaya nakakaisip siya ng ganoon.

Sa palagay ko, hindi mainam na mag-cool off dahil lalo lang siya magdududa. Pinakamainam ay mag-usap kayo ng masinsinan at sikapin mo na matanggal ang insecurity niya sa inyong pagsasama. Konting lambing lang ‘yan.

DR. LOVE

Show comments