^

Dr. Love

Duda sa kasarian

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi and yellow to you, Doc Love. Tawagin mo na lang akong Krista, 19 years old. Maganda ako at may mga nagsa-suggest na mag-artista raw ko. Nagkaroon na ako ng tatlong boyfriends since 16 years old ako, pero hindi ko naman sineryoso.

Hindi ko pa nararanasan ang tinatawag na True Love kaya panay ang tanggap ko ng sui-tors, pero wala na akong sinasagot ni isa dahil wala akong kilig na nadarama sa kanino man sa kanila.

Naiinggit ako sa mga friends ko na very sweet sa kanilang mga jowa.

Nakilala ko si Salltyna, naging close friend ko. Sa kanya ko nadama na tumibok ang puso ko. Maganda rin siya pero parang tomboyish kung kumilos.

‘Di katagalan ay nagtapat siya ng pag-ibig sa akin at agad ko siyang sinagot. Attracted talaga ako sa kanya. Isang feelings na hindi ko naramdaman kahit kaninong boys na nanligaw sa akin.

Hindi ako nag-aastang lalaki at mahilig din akong mag-makeup. Pero iba ang nadarama ko, dahil mas attracted ako sa kapwa ko babae. Tomboy po ba ako?

Krista

Dear Krista,

Hindi ako sang-ayon sa same sex relations, pero hindi kita kokondenahin. Hindi mo naman kasalanan na ganyan ang feelings mo at may kakaiba kang sexual preference.

Hindi ka naman marahil totoong tomboy, kundi dahil sa kabataan mo, baka mayroon ka pang confusion sa sarili na malalampasan mo rin sa takdang panahon. Maraming katulad ng kaso mo pero dumating ang puntong umibig din sila sa lalaki.

Kasi, kung tunay kang lesbian, hindi ka magiging very feminine sa iyong pag-aayos ng katawan.

Babaeng babae ka from your looks at maraming manliligaw. Marami akong kaibi-gang dating tomboy pero nagbago nang taimtim na tumanggap kay Jesus bilang Panginoon at Tagapag-ligtas.

Subukan mong gawin ito. Magsisi, humingi ng tawad sa Diyos at tanggapin si Kristo bilang personal Lord and Savior, at naniniwala akong isang himala na magpapabago sa iyong buhay ang  magaganap.

Isa pa, putulin mo na rin ang pakikipag-ugnayan sa iyong karelasyon ngayon.

Dr. Love

vuukle comment

KRISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with