^

Dr. Love

Tumigil sa pag-ikot ang kanyang mundo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mag-aapat na taon nang biyudo ang a-king amang si Darius. Humanga ako sa pagmamahalan ng aking ama at ina. Sa loob ng dalawampu at limang taong pagsasama nila, naging tapat sila sa bawat isa.

Tawagin mo na lang akong Delmar, 25 anyos, nag-iisang anak at hanggang ngayon ay binata pa dahil hindi ko maiwanan si ama sa kanyang pangungulila.

Sa ina ko lang umikot ang maliit na daigdig ng aking ama. Nang mamatay sa cervical cancer and aking ina ay labis na nanangis si ama. Akala ko pansamantala lang, pero lumipas ang isa, dalawa, tatlo hanggang apat na taon lagi pa ring nagdidilidili ang aking ama at nakatitig sa larawan nila nang sila ay ikasal.

Kareretiro lang sa trabaho ng aking ama at sapul nang magretiro ay lalong tumindi ang kanyang kalungkutan. Parang tuluyan nang huminto sa pag-ikot ang kanyang daigdig.

Kapag sinasabi ko sa kanya na manligaw na uli at mag-asawa ay kinagagalitan pa niya ako. Malaki na ang kanyang pinangayayat at nababahala ako sa kanyang kalusugan. Ano ang gagawin ko?

Delmar

Dear Delmar,

Kung kareretiro lang ng ama mo, siguro nasa 60 hanggang 65 ang kanyang edad. Bata pa siya para magmukmok, huwag mawalan ng pag-asa. Sa mga panahong libre ang oras mo, lagi mo siyang samahan at kuwentuhan ng masasayang kuwento.

Kung maaari, iwasan mong ibalik ang mga masasa-yang alaala tungkol sa iyong yumaong ina. Kung mahilig ka sa computer, turuan mo siyang gumamit ng social media. Magandang libangan ito kung gagamitin sa tamang paraan.

Diyan ay makakatagpo siya ng mga kaibigan at malay mo, baka diyan niya matagpuan ang iyong magiging stepmother.

Maganda sana kung madalas mo siyang maipapasyal pero panahon ngayon ng pandemya kaya bawal muna iyan. Anyway, subukan mo ang mga ipinayo ko sa iyo at baka sakaling mabuhayan ng loob at muling umikot ang daigdig ng iyong ama.

Dr.Love

DELMAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with