^

Dr. Love

Dominanteng girlfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May tatlong buwan ko ring niligawan si Maan bago ko naging girlfriend. Naakit ako sa kanyang kagandahan at kabaitan kaya ako na-in love sa kanya.

Sabi ng mga friends ko, marami nang naging boyfriend si Maan na pawang hindi nakatiis dahil sa pagiging dominante niya. Binabalaan ako ng mga friends ko na may tendency si Maan na maging mapang-under. Baka raw magsisi ako kung magkakatuluyan kami.

Inoobserbahan ko ang ugali niya at sa loob ng limang buwan relasyon namin, napansin ko na may mga pagkakataong masungit siya at hindi makausap ng matino.

Madalas, pinapansin niya ang aking kasuotan na hindi raw bagay sa akin. Sinasabi niya kung anong kulay ng polo at katernong pantalon ang dapat kong isuot.  Hindi rin niya ina-appreciate kapag pinadadalhan ko siya ng flowers. Sabi niya, chocolate candies na lang ang ibigay ko para matuwa siya.

Minsan, naaasar na ako sa kanya. Nang pagsabihan ko siya sa kanyang hindi mabuting asal, nagalit siya at sinabing kung ayaw ko sa kanya, mag-break na lang kami.

Talagang ibang iba ang ugali na nakita ko sa kanya nung hindi ko pa siya girlfriend.  Baka tama ang mga friends ko na malamang maging Andres de Saya ako pagdating ng araw. Ano ang gagawin ko?

Magno

Dear Magno,

Kung naaasiwa ka sa kanyang ugali at takot na maging “under” pagdating ng araw, ngayon pa lang ay hiwalayan mo na siya.

Ang asawang babae ay dapat nagpapasakop sa la-laki, ayon sa Salita ng Diyos.

Ang pagiging dominante niya pati na sa mga desisyon mo sa iyong sarili ay indikasyon na hindi siya magiging mabuting kabiyak.

Dr. Love

MAGNO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with