Dear Dr. Love,
Biegs po ng Bacoor Cavite. Baligtad pala ng pani-nwala ko, ang akala ko hindi na ako makakapag-asawa. Pero mali pala.
Sa sobrang kalungkutan at pag-iisa. Ginagawa ko na lang ay libangin ang aking sarili. Kung saan-saan ako nagpupunta para kumain. Sobrang taba ko na talaga. Madalas sa mga fast food at mga bagong kainan ako nagagawi.
Sa fb, kapag may nakita akong bagong bukas na kainan pinupuntahan ko talaga.
Isang araw para akong nanaginip sa nabasa ko sa fb, “Kainan ng mga Singles”, dito lang malapit sa amin. Hindi ko inisip na rito ko matatagpuan ang magiging asawa ko.
Nakapabilis ng pangyayari. Kumakain ako mag-isa nang may lumapit na isang babae. Nakisuyo kung pwedeng maki-share sa table ko.
Ayaw ko pa nga kasi naiilang ako kumain kapag may kasabay akong hindi ko kakilala. Sinabi ko pa nga ‘yun sa kanya. Kaya naman nagulat ako nang tuloy-tuloy siyang nagkwento tungkol sa buhay niya. Hala, nagtagal kami sa kainan na iyon. Hindi ko alam na naghahanap rin siya ng magiging kasama sa buhay.
Doon nagsimula ang palagian naming pagkikita. Hanggang nagtsa-chat na kami sa fb. Nagse-set na kami ng date namin. To make my story short, ilang buwan lang inaya ko na siyang magpakasal. Doon mismo ang aming reception sa “Kainan ng mga Singles”. Kaya sa mga singles d’yan, kain lang kayo sa kainan ng mga singles dito lang sa Bacoor Cavite. Malay mo matulad ka sa akin at matagpuan mo rin ang hinanap mong ka-partner sa buhay.
Mr. Biegs
Dear Mr. Biegs,
Ang ganda naman ng love story ninyo. Mapuntahan nga ‘yang kainan na iyan. Ang galing ng concept. Totoo naman na kung naghahanap ka ng kasama, roon na sa pinupuntahan ng mga single magsadya.
Pasalamat ka sa may-ari ng kainan na ‘yan. Kundi dahil sa kanila, hindi mo makilala ang iyong special someone.
‘Yan ‘yung sinasabing itinakda ng Diyos ang oras at lugar para kayo ay magkatagpo.
Pagpalain kayo ng Diyos at nawa bigyan niya naman kayo ng mga anak. God bless.
DR. LOVE