^

Dr. Love

Alaala sa likod ng mga labada

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Mang Rudy, 60 years old. Ang totoo ayaw na akong pakilusin ng aking mga anak. Hayaan ko na lang daw silang kumilos. Pero ayoko pang mabansagang walang silbi, kaya maaga pa lang ay kinukuha ko na ang mga damit para maihiwalay ang puti sa de color. Hindi naman mahirap dahil advance na ang washing machine ngayon.

Namimis ko lang na paglingkuran ang mga anak ko. Malalaki na kasi sila at matagal na rin akong nabiyudo. Hindi na ako nag-asawa muli dahil mahal na mahal ko ang misis ko.

Masipag at maasikaso siya. Ayaw na ayaw niyang ako ang gagawa ng gawaing bahay. Basta nasa bahay ako, oras ng pahinga ko.  Hindi nga lang niya ako mapigilan kapag gusto kong magkumpuni ng mga kung anu-ano.

Namatay ang misis ko habang naglalaba, inatake siya sa puso. Lahat kami ng aking mga anak ay nabigla nang matigilan siyang kumilos at natumba. Mataas na pala ang kanyang blood pressure.

Hindi niya sinabi sa akin ng araw na iyon, na hindi na niya kayang kumilos. Nasanay lang ako sa karaniwan niyang ginagawa. Wala naman siyang matinding sakit.

Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon ang araw na iyon, nang mawalay sa akin ang aking misis.  Mahal na mahal ko siya. Hindi ko malilimutan ang masasa-yang araw na kami ay magkasama. Simula noon, ako na ang umako ng lahat ng ginagawa ng misis ko. Kahit pagod, masaya akong nagsisilbi sa mga anak ko. Dito ko naipapakita sa misis ko na may forever.

Mang Rudy

Dear Mang Rudy,

Maraming salamat sa sharing mo. Siguro mainam na magwalis-walis ka na lang o mag-ayos-ayos.

Alam ko mara-ming nakaka-relate ngayon sa iyo dahil araw ngayon ng mga yumao nating mahal sa buhay. Hindi man natin sila pisikal na kasama, nananatili pa rin silang kasama sa ating isip, gunita o alaala.

Napakahalaga na maipagdasal natin ang ating mga yumaong mahal sa buhay. Bilang pagpapakita na sila ay mahal pa rin natin. Nakakalungkot na may mga taong nakakalimot na sa mga taong naging bahagi ng kanilang buhay.

Kaya sa isang banda, tama lang na ipinapaalala mo sa iyong mga anak ang sipag ng kanilang nanay habang siya ay nabubuhay pa.

God bless, stay safe.

DR. LOVE

RUDY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with