^

Dr. Love

Nilalait dahil gipit

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Birthday ng mister ko nitong naraang June 9. Masaya na sana kami kaso sobrang kulit ng kuya ko. Kakapamili pa lang namin nang dumating siya. Naghahanap na ng pagkain, bakit wala pa raw luto?

May lakas ng loob siyang umasta ng ganun dahil sa asawa niya galing ang panghanda namin. Ewan ko ba? Naturingang kapatid ko siya, mas mabait pa ang kanyang asawa sa amin.

Jeepney driver ang asawa ko. Balak ko nang hindi maghanda dahil wala naman siyang kita ngayon. Pa-extra-extra lang siya sa mga umaarkila ng van sa hipag ko.

Masakit sa kalooban ko na imbes na maawa at tulungan kami ng kuya ko, parang kinukutya niya ang aking asawa. Maganda kasi ang trabaho nilang dalawa ng hipag ko.

Pero talagang gusto na siyang awayin ng mister ko dahil nang inaaya niya ang mister kong bumili ng alak, wala siyang maibili. Dalawang muchong red horse lang ang nabili namin.

Sinabihan ko nga ang aking mister na huwag na lang pansinin at ipasa Diyos na lang ang ginagawang panlalait ni kuya sa amin. Sa simula pa lang nang magkakilala kami ng mister ko, mainit na ang ulo niya sa kanya.

Almira ng Sampaloc, Manila

Dear Almira,

Ang dapat kumausap sa kuya mo ay ikaw. Huwag mo nang hayaan pang magkasagutan siya at ang mister mo.

Ikaw ang pumagit- na sa kanila. Alam kong mahal mo ang asawa at kuya mo. Alalahanin mo ang magiging epekto nito sa inyong pamilya kapag nag-away na sila.

Tama ang ginagawa mo, lagi mong alalayan ang iyong asawa. Iba ang nasa isip ng isang nawalan ng kita, lalo na kung pinagkakaitan o lalaitin pa.

Mabuti nga at nariyan ka. Nakakahiya rin sa hipag mo. Malamang naiintindihan kayo nun. Sana nga matigil na ang pandemic na ito dahil marami ang nawalan ng trabaho at marami na rin ang nabuburyo sa buhay.

DR. LOVE

 

 

 

 

 

vuukle comment

GIPIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with