Sabik na makita ang klasmeyt

Dear Dr. Love,

Ako po si Daniel V. Talagang sabik na akong makita ang klasmeyt kong si Abby. Abby, kung alam mo lang ilang gabi na akong hindi makatulog dahil sa kakahintay ng magkaroon na ng pasok. Shout out lang po kay Abby.

March 15 pa tayo huling nagkita. Marami sana akong plano para makasama ka tuwing uwian natin.

Namimiss ko tuloy ang mga kwentuhan natin na favorite mong Korean stories. Marami pa ta­yong susubaybayan na bagong release tulad ng “ Vagabond”. Ewan ko kung napapanood mo na.

Masarap kasi kasama si Abby parang lagi akong may kasamang Korean. Simula sa mata hanggang sa kanyang ugali.

Minsan kinakausap niya ako sa Korean l­anguage. Tango lang ako nang tango at tawa lang siya ng tawa.

Sana nga po mapabilis ang pag-approved sa anti-covid19 vaccine para mawala na ang mga agam-agam ng mga parent namin.

Sobra, isang buwan mahigit na hindi kami nagkakasama ni Abby. Ok naman sa fb, chat pero syempre iba pa rin ‘yung makasama kami. Naudlot lang ako na sana seseryosohin ko na ang panliligaw ko sa kanya.

Hindi bale, babawi ako sa pasukan, makakausap na rin kita ng Korean language. At ang gusto ko kapag sinagot mo ako sa salitang Korean- naneolsalanghaeni na ang ibig sabihin ay I love you.

Daniel V.

Dear Daniel V.,

Huwag ka naman masyadong maiinip.Lumilipas naman ang panahon. Oh, pinagdarasal mo ba na matapos na ang pandemic? Dapat may kasamang dasal para mas mabilis.

Mahilig kayo sa Korean stories na maganda. Pangarapin mo rin na makarating kayo roon ni Abby. Basta stay nice sa kanya at tiyak na maririnig mo rin ang nanneolsalanghae niya para sa’yo.

O, sige ingat lagi at huwag munang magla­labas ng bahay para ligtas ka sa covid-19. Huwag mo sanang sa­yangin ang future mo with Abby.

DR. LOVE

 

Show comments