^

Dr. Love

Sexual Harassment

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mahirap lang kami at nagkasakit pa ng malubha ang aking mahal na ina. Kailangan namin ng malaking halaga, wala akong ibang maisip na paraan kundi lumapit kay Mang Bino na nagpapautang ng five-six sa aming lugar. Ang nanay ko ay naglalabada at ang kapatid kong bunso ay pumapasada ng tricycle. ‘Yun lang ang tangi naming kabuhayan at ngayo’y nagkasakit pa si nanay.

Tawagin mo na lang akong Menchu, 21-anyos at dalaga pa. Tumanggi si Mang Bino dahil otsenta mil ang hinihiram ko. Hindi raw namin kayang bayaran. Matagal akong halos magmanikluhod pero pusong bato si Mang Bino.

Hindi ko alam kung nagbibiro siya pero kalaunan, ang sabi niya, pahihiramin daw ako kung makikipag-one night stand ako sa kanya. Tumayo na lang ako at nagpaalam. Naghihintay sa labas ang kapatid kong bunso at narinig niya ang kabastusan ni Mang Bino. Galit na galit si Bunso at gustong balikan si Mang Bino pero pinigilan ko siya.

Mabuti na lang at may nakapag-suggest sa akin na dumulog sa PCSO na nagbigay ng guarantee na sasagutin ang bahagi ng halaga. ‘Yung ibang halaga mula sa  mga kaibigan at kamag-anak na nagmalasakit na tumulong.

Kung tutuusin, kung walang PCSO at mga kaibigang tumulong, baka pumayag ako sa alok ni Mang Bino. Hanggang ngayon kapag nakakasalubong ko siya ay ngingisi-ngisi.

Ano po ang dapat gawin sa mga taong ganito na asal demonyo?

Menchu 

Dear Menchu,

May batas na tayo laban sa mga bastos at ang ginawa ni Mang Bino ay sexual harassment na may pataw na mabigat na parusa. Gawin mong testigo ang kapatid mo at idemanda mo siya.

Kung wala kang ibabayad sa abogado, maaari kang dumulog sa public attorney’s office at bibigyan ka ng libreng abogado.

Ang mga taong gaya ni Mang Bino ay hindi dapat kunsintihin at dapat maparusahan ng naaayon sa batas.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

MANG BINO

MENCHU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with