Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Michelle, 26 years old at isang single parent. Dalawang taon na ang anak kong babae. Siya ay bunga ng aking pagka-liberated na ngayon ay pinagsisisihan ko.
I lived a life of promiscuity at kung kani-kaninong lalaki nakipagniig. Maging ang tatay ng anak ko ay hindi ko kilala dahil marami silang nakatalik ko. Until I realized na baka dahil sa aking kalandian ay mayroon na akong AIDS. Nang isilang ko ang aking baby, sinabi ko sa doctor na gusto kong kunan kami ng AIDS test ng aking isinilang na sanggol. Inihanda ko na ang aking sarili sa ano mang resulta. Lumitaw na ako’y HIV positive. Pero ang aking anak ay hindi. Napaiyak ako at nagpasalamat sa himala ng Diyos.
Nang one year old na siya ay pina-test ko siya uli at negative pa rin. Nakahinga ako ng maluwag. Kahit HIV positive ako, malaking kaluwagan sa dibdib ko na ang baby ko ay hindi. Ngayo’y naggagamot ako para mapigil ang pag-develop ng AIDS virus at mapahaba pa ang aking buhay para sa aking anak.
Napagkakamalan akong isnabera ng mga lalaki dahil lahat nang nanliligaw sa akin ay sinusungitan at binabasted ko agad. Minsan ay nasasaktan ako lalo na kung type ko ang isang manliligaw. Pero ayaw kong makapanghawa pa. Tama ba ang ginagawa kong ‘to?
Michelle
Dear Michelle,
You are making a great sacrifice, pero tama lang ang ginagawa mo. Kung kukuha ka ng partner kasi, talagang magiging tagapaghatid ka ng kinatatakutang karamdaman.
Ang pinaka-consolation na lang ng mga HIV positive ay mayroon ng gamot upang mapabagal ang pagkakataon ng virus sa katawan para maski papaano ay mapalawig ang buhay nila at mamuhay ng normal.
Sana ay kapulutan ng aral ng lahat ang kasaysayan mo.
Dr. Love