No, no sa live-in

Dear Dr. Love.

My warmest greetings to you. Just call me Margaux, 30 years old and I have just separated from my live-in partner for three years.

Wala kaming anak pero ang una sana naming baby ay hindi pinalad na mabuhay. Nagkaroon ako ng miscarriage. Mula noon ay hindi na ako nagkaanak.

The reason why we separated ay third party. Nagkaroon siya ng bagong love interest. Pangarap daw kasi niya na magka-baby na hindi ko maibigay.

Pero sa pagsusuri ng doktor ay wala naman akong diperensya.

May suitor ako ngayon na mayamang businessman. Pero nagdadalawang-isip na ako. Ayoko nang makatikim ng kabiguan.

Pagpayuhan mo ako, Dr. Love.

Margaux

Dear Margaux,

Para sa akin, hindi dapat isara ang puso sa tawag ng pag-ibig. Hindi porke nabigo ka sa una ay hindi ka na dapat umibig muli.

Ngunit kung ang plano mo ay makipag-live-in muli, huwag na lang dahil naniniwala ako sa kasagraduhan ng kasal.

Marami diyan ang kung ilang partner na ang kinasama at iyan ay nakakapagpababa sa dangal ng isang tao.

Dr. Love

Show comments