Ano ba talaga?

Dear Dr. Love,

Please call me Doreen na lang. I am 28 years old and a practicing accountant. Masyado akong nalibang sa career ko as CPA dahil maluwag ang pasok ng pera kaya umabot ako sa edad kong ito na hindi nag-aasawa.

Pero na-realize ko na tumatanda na ako at kailangang magkaroon ng sariling pamilya. May boyfriend ako na 55 years old. Isa siyang biyudo at ang dalawang anak ay pareho nang nasa Amerika.

Ang boyfriend ko ay isang businessman at ako ang nagma-manage ng kanyang finances kaya kami naging close. Simpatiko naman siya at he looks younger than his age bukod sa mayaman. Naisip ko, nakaseseguro ako na hindi ako ginusto dahil sa pera dahil mas mayaman siya sa akin.

Limang buwan na ang aming relasyon at ang ipinagtataka ko, hindi niya inuungkat ang tungkol sa kasal. Ako ay 28-anyos na at alam kong tumatanda na ako. Siya naman ay matagal na ring biyudo. Nahihiya naman akong magtanong dahil babae ako. ‘Di ba dapat sa kanya manggaling ang marriage proposal?

Ano kaya ang mabuti kong gawin? Ayoko naman ‘yung nagtatagpo kami ng palihim.

Doreen

Dear Doreen,

Kailangan ay ma­laman mo ang kanyang pananaw tungkol sa pagpapakasal. Puwede mo siyang tanungin nang hindi direktang sinasabi na gusto mo nang lumagay sa tahimik like, “ano ang pananaw mo sa kasal?”

Pero kung tutuusin hindi naman masamang magtanong nang ganyan dahil disenteng babae ka at hindi kaladkarin. Kung malaman mo na gusto niya lang ang pakikipagtagpo ng lihim at ayaw magpatali, mabuti pa ay makipagsira ka na sa kanya.

Mas mabuting malaman mo ang paninindigan niya tungkol sa bagay na iyan dahil kung katulad siya ng ibang mayaman na ayaw mag-asawa dahil gustong solohin ang kayamanan, wala siyang kuwentang tao.

Dr. Love

Show comments