^

Dr. Love

Ms. Liberated

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Just call me Celeste, 27 years old. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy. I am somebody who people may call “ Ms. Liberated.”

Palabiro rin ako at open minded pagdating sa isyu ng sex. Kaya nagkaroon ako ng reputasyon na easy-to-get at “malandi”. Pero sa totoo lang, very reserved ako pagdating sa chastity ko. Yes, I am still a virgin up to now bagama’t marami akong naging boyfriend.

However, lahat sila ay hindi ako sineryoso dahil isa lang ang hangad nila sa akin, ang maangkin ako. Pero kapag nagpaparamdam na sila ay agad ko na silang dinidispatsa.

Siguro umabot ako sa age na ito na single pa dahil mapili ako sa lalaki. Ayoko nang mapagsamantala na isa lang ang hangad sa isang babae.

May nanliligaw sa akin ngayon at hinahamon ako ng kasalan. I do not find the guy very appealing bagama’t matalino, malinis sa katawan at maginoo.

For the first time sa buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganitong lalaki na naghahamon agad ng kasalan.

Isa siyang batang businessman at may pa­ngarap sa buhay. Okey bang sagutin ko siya kahit wala akong nararamdaman na pagmamahal para sa kanya?

Celeste

Dear Celeste,

Ang pag-ibig ay puwedeng ma-develop. Pero huwag kang makikipag-commit agad kung wala pa ‘yung feeling na mahal mo ang lalaki. Maging close friend muna kayo. Ipakilala mo nang husto ang iyong sarili at kilalanin mo siyang mabuti.

Over time, malalaman mo kung may posibilidad na mahalin mo siya. Mahalaga ang pag-ibig pero tila nakita mo ang mga katangiang hanap mo sa isang lalaki sa kanya kaya ‘yun ang gawin mong tuntungan.

Dr. Love

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

AYOKO

DEAR CELESTE

DR. LOVE

IPAKILALA

ISA

MS. LIBERATED

PERO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with