Cousin-tahan

Dear Dr. Love,

Ipinaaabot ko sa iyo ang isang mainit na pagbati. Isa lang ako sa maraming tagasubaybay ng iyong column. Sana, paunlakan mo ang aking sulat dahil kailangan ko ang iyong word of wisdom at payo.

Tawagin mo na lang akong Lyra, 21 years old at ang problema ko ay ang tungkol sa aking relasyon sa aking first cousin.

Kung tutuusin, kahit first cousin ko siya ay wala kaming relasyon sa dugo dahil anak siya sa ibang babae ng ­aking tiyo. Ang tiya ko lang ang talagang related sa akin dahil kapatid ng tatay ko.

Wari, in-adopt lang ang boyfriend ko dahil hindi magkaanak ang aking tita. Pero itinuturing na rin siyang tunay na anak ng aking tita kaya first cousin ko pa rin siya.

Para sa ibang konserbatibong kamag-anak, tutol sila. Pero mismong mga magulang ko ay hindi naman tumututol. Ano ang opinyon n’yo tungkol dito?

Lyra

Dear Lyra,

Sa tingin ko, wala kayong problemang mag-cousin-tahan. Hindi naman related ang dugo ninyo kaya kahit tumutol ang iba ninyong mga kamag-anak, kayo ang malayang magdedesisyon niyan.

So, walang problema Lyra. Go for it.

Dr. Love

 

                                                                                             

Show comments