Hindi ligawin

Dear Dr. Love,

Isang mabuting pagbati ang ipinararating ko sa iyo. Tawagin mo nalang akong Lora, 25-anyos.

May boyfriend ako pero hindi ko siya talaga feel.

Aaminin ko na sinagot ko lang siya dahil siya ang unang lalaking may itsura na nanligaw sa akin.

May mangilan-ngilan lang akong suitors na puro hindi ko type kaya nang ligawan ako ng kasintahan ko ngayon ay sinagot ko siya. At least, para sa akin ay presentable siya. Pero ang hinahanap ko ay ‘yung feeling of love.

Hindi sa pagbubuhat ng bangko, maganda naman ako at graduate ng accountancy. Nagtataka ang mga kaibigan kong babae kung bakit madalang ang mga nanliligaw sa akin. At kung mayroon man ay hindi ko type.

Kung minsan nga ay inirereto na ako ng mga friends ko sa mga guys pero ang sagot daw sa kanila, madalas ay natatakot silang ligawan ako.

Ano kaya ang dapat kong gawin para ako’y ligawan? May mga type ako pero ayaw nila akong ligawan. Pagpayuhan mo po ako.

Lora

Dear Lora,

Kawawa naman ang boyfriend mo na hindi mo naman pala mahal pero sinagot mo. Habang maaga ay sabihin mo ang totoo mong damdamin at humingi ka ng sorry.

Kung minsan, may mga babaeng hindi kagandahan pero ligawin. Sa kaso mo, maganda ka pero madalang ang mga nanliligaw at hindi mo pa sila type.

Palagay ko ay nasa ugali mo iyan. Baka mas­­yadong mataas ang dating mo at natatakot ang mga lalaki sa iyo, baka maging dominante kang partner.

Magtanong ka rin sa mga kaibigan mong babae kung ano sa tingin nila ang ugali mo na nakaka-turn off sa mga lalaki.

Dr. Love

Show comments