^

Dr. Love

In love sa dating binu-bully

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mula sa US kung saan naka-base ako bilang doctor, nagpasya akong magbakasyon para makadalo sa aming high school reunion sa San Jose Academy kung saan hindi ko inaasahan na makikita ko rin si Theresa, ang biktima ng aming pambu-bully noon. Ibang-iba na ang dating niya ngayon at ikina-excite ko nang malaman na gaya ko ay wala pa rin siyang asawa.

Walang araw na hindi inaasar ng grupo ko si Theresa dahil sa sungki-sungking mga ngipin niya. Naalala ko, muntik pa nga akong ma-kickout dahil nagsumbong siya sa principal. Pero ang ipinagtataka ko ay hindi natuloy ang suspension ko dahil lumipat na ng school si Theresa.

At sa reunion, habang masayang nagkakabalitaan ang mga dating magkakaklase ay napako ang mga mata ko sa isang babae na adopted alumni daw ng academy. Dahil bagaman hindi siya nakapagtapos sa school namin, doon naman siya nagsimula bago lumipat ng paaralan.

At pinagpawisan ako ng malapot, Dr. Love nang ipakilala siyang si Theresa Lumang ang pinagkakauta­ngan ng malaki sa pagtatatag ng Colegio de San Jose at binu-bully namin noon.

Sa kanyang talumpati ay pinasalamatan niya ang mga nam-bully sa kanya noon. Pinaakyat pa nga niya ako sa stage at inihingi ko sa kanya ng tawad ang inasal ko noon.

Ibang-iba na si Theresa, Dr. Love kaya hindi ko napigilan ang aking sarili na isayaw siya. At bago matapos ang reunion ay nakuha ko ang cellphone number niya, address ng bagong tinitirhan, maging ang email address niya.

Ang problema ko, hindi ko alam kung paano magsisimulang ihayag sa kanya ang especial feelings ko para sa katulad niyang may-ari na ng academy at biktima pa ng pambu-bully ko noon.

Payuhan po ninyo ako, dahil nakakagulo na ang bagay na ito kahit ako ay nasa trabaho. Baka bawian niya ako. Hihintayin ko po ang advice ninyo.

Thank you po at God bless you.

Gumagalang,

Alexis Cristobal, MD

Dear Dr. Cristobal,

Pareho na kayong matured, kaya why not just go straight to the point. Lumabas kayo at sabihin mo sa kanya na gusto mo siya. Only by then, you will know if you should pursue on her or not. Pero kung ako sa’yo, dali-dalian mo ang kilos baka naman maunahan ka pa ng iba.

DR. LOVE

vuukle comment

AKO

ALEXIS CRISTOBAL

ANG

DR. CRISTOBAL

DR. LOVE

IBANG

NIYA

PERO

SAN JOSE

STRONG

THERESA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with