^

Dr. Love

Hinagpis ng gay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Rico, isang gay at 26-anyos. Mayroon akong boyfriend na karelasyon ko for the last 2 years.

Mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako. Lahat ng luho niya ay nasusunod sa akin.

Pero nitong mga nakalipas na araw ay may nahalata akong pagbabago sa kanya. Laging matamlay at tamad makipag-usap sa akin.

Nang usisain ko siyang mabuti, nagtapat siya. Mayroon siyang naging girlfriend at gusto na niyang makipagkalas sa akin.

Aniya hindi raw siya puwedeng magkapamilya sa akin dahil pareho kaming lalaki.

Galit ang nadama ko sa kanya at pinalayas ko siya sa tinitirhan namin. Umalis siya pero dinamdam ko ito.

Paano ko maiaalis ang sakit na nada­rama ko?

Rico

Dear Rico,

Harapin mo ang katotohanan. Ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki­. Kung mayroon man mga lalaking puma­patol sa bakla, madalas ay dahil lang sa pinan­siyal na naibibigay ng bakla sa kanila.

Natutuwa ka ba sa ganoon na ang pagmamahal ng boyfriend mo ay tinutumbasan lang ng materyal na bagay?

Sadyang darating ang punto na ang isang lalaking may ka-live-in na bading ay mamu­mulat sa katotohanan at hahanap ng babaeng mamahalin. Isang babaeng puwede siyang bigyan ng mga anak.

Kahit magpa-sex change ka, lalaki ka pa rin dahil ganyan ka nilikha ng Dios.

Dr. Love

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANIYA

DEAR RICO

DIOS

DR. LOVE

GALIT

HARAPIN

MAYROON

RICO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with