^

Dr. Love

Hiwalay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mabiyayang pagbati sa iyo. Katulad ng ibang lumiham sa iyo ay nais ko ring humingi ng payo. Ako po si Mica, 28-anyos, hiwalay sa asawa.

May apat na taon na kaming hiwalay bagama’t walang pormalidad. Ibig kong sabihin, hindi kami dumulog sa korte para sa annulment.

Sa ngayon ay nagkaroon ako ng karelasyon na hindi naman tinututulan ng asawa ko na mayroon na ring iba.

Sabi niya sa akin, wala na raw kaming paki- alaman. Ang kaisa-isang anak namin ay nasa poder ko. Gusto ko lang itanong kung tama ba itong ganitong kasunduan na sa bibig lang?

Nangangamba kasi ako na baka kung ano ang pumasok sa ulo niya at dumating ang araw na idemanda ako ng adultery.

Pagpayuhan n’yo po ako.

Mica

Dear Mica, Physically, magkahiwalay kayo pero legally,

mag-asawa pa rin kayo. Dapat, ang lahat ay dumaan sa legal na proseso.

Kailangan ay marunong kang mag-antici- pate ng mga darating na problema kaya mag- usap kayo ng asawa mo tungkol sa annulment.

Kung mangyayari iyan, puwede na ninyong pakasalan ang mga bagong partners ninyo. Mahalaga ang kasal dahil magbibigay ito ng legal status sa inyong magiging supling.

DR. LOvE

ANG

DAPAT

DEAR MICA

DR. LOVE

IBIG

KAILANGAN

KATULAD

MABIYAYANG

MAHALAGA

NANGANGAMBA

PAGPAYUHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with