^

Dr. Love

Lulong sa porn website

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dalawang taon na kaming mag-on ng boyfriend ko at nagbabalak na sanang magpakasal nang biglang magsara ang kompanyang pinapasukan niya.

Nagkaroon ng malaking adjustment ang aming relasyon. Dumalang ang aming pagde-date, maging ang pagbisita niya sa bahay. Pero dahil naiintindihan ko naman ang kalagayan niya, ako na ang nagpupursiging bisitahin siya.

Kaya lang, Dr. Love ang minsan pang pagbisita ko sa kanya ay nakakadismaya sa akin. Nalaman kong nawiwili siya sa porn website. Inaaya pa nga niya ako, pero nababastusan po ako.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit, proud pa siyang ikwento na nakilala na niya ng personal ang mga napapanood niya sa porn website.

Naalala ko tuloy ang sabi ng kapatid ko na maaaring nakikipagrelasyon na ang boyfriend ko sa mga babae at mga baklang napapanood niya. Bagay na hindi naman ipinagkaila ni Matt nang tanungin ko siya.

Dr. Love, nakakaramdam po ako ng pandidiri sa boyfriend ko at gusto ko na pong umurong sa plano naming kasal. Sa palagay po ba ninyo, makatwiran ang pasya kong ito? Pagpayuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Francia

Dear Francia,

Huwag ka munang magpadalus-dalos. Bakit hindi mo subukan na tulungan ang boyfriend mo na bumalik sa katinuan. Sa totoo lang, sa maling kinahuhumalingan niya ngayon ay mas kailangan ka niya.

Hikayatin mo siyang maghanap na ng trabaho o tulungan mo siyang makahanap, para maputol ang pagkahumaling niya sa imoralidad. Pero kung sa pagsisikap mo na maituwid siya at kusa siyang kakawala para magpatuloy sa malaswang website, saka ka magpasya.

DR. LOVE

vuukle comment

BAGAY

BAKIT

DALAWANG

DEAR FRANCIA

DR. LOVE

DUMALANG

GUMAGALANG

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with