^

Dr. Love

Adik sa android game si Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko naman gustong hadlangan ang aking asawa sa kanyang mga pinagliliba­ngan. Pero kung minsan po ay nakapako na nang husto ang atensiyon niya dito kaya nababalewala na ang ibang bagay na dapat asikasuhin sa buong maghapon. Kasama na rito ang oras para kami ay makapagkwentuhan at kamustahin ang aming buong araw.

Nahuhumaling po kasi ng husto sa android app video game sa cellphone si Uro. Ang sabi ng kapatid kong si Mameng, hayaan ko na raw kaysa babae ang pagkaabalahan.

Kung sa bagay may point siya. Kaya lang po, namamasukan ako bilang mananahi at kung minsan ay humihingi ng pahinga ang katawang lupa ko. Pero hindi ko magawa dahil wala nang ibang mag-aasikaso sa aming mga anak.

Madalas tanghali na siya magising dahil napupuyat sa kakadutdot sa cellphone niya. Minsan ko nang sinabi sa kanya na okey lang pero huwag naman halos ang buong araw niya ay nasa cellphone na lang.

Pero nagsasalubong po ang kilay niya at kung minsan, kapag nag-react pa ako ay nauuwi sa sagutan ang lahat.

Sa palagay n’yo po ba ay isang kalabisan ang pakiusap ko sa aking asawa, Dr. Love? Pagpayuhan po ninyo ako. Maraming sala­mat po at more power sa inyong column.

Sabel

Dear Sabel,

Alam natin na lahat ng sobra, sa madalas na pagkakataon ay nakakasama. Marami na talagang nakaka-adik na games kahit sa cellphone. Pero huwag kang mawalan ng pag-asa. Kung hindi mo makuha ang kanyang pansin, kunin mo ang atensiyon ng kanyang sikmura.

Lutuan mo siya ng paborito niyang ulam at sa sandaling gutumin siya ay saka ka unti-unting mag-open ng conversation. Pagkakataon mo na ito para paalalahanan siya tungkol sa mga bagay na dapat asikasuhin. Pero gawin mo ito nang may lambing.

Dr. Love

ALAM

DEAR SABEL

DR. LOVE

KASAMA

KAYA

LUTUAN

MADALAS

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with