^

Dr. Love

Ibig humanap ng iba

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bayaan mong bumati ako sa iyo ng mabiyayang araw Dr. Love.

Ang dahilan ng aking pagsangguni sa iyo ay dahil sa aking problema sa aking misis.

Ikubli mo na lang ako sa pangalang Rav, 27–anyos. Dalawang taon  taon na kami ng asawa ko at ang problema ko sa kanya ay ang kanyang pagiging malamig sa aming pagsisiping. Napansin ko na kung pagbigyan man niya ako ay walang kainit-init ang tugon niya sa akin. Parang makatapos lang ay ayos na. Basta napagbigyan na niya ako ay period.

Mas madalas pa na tumatanggi siya sa akin. Kesyo pagod siya sa trabaho sa bahay. Kesyo masakit ang tiyan o ulo.

Mahal ko siya at ayaw kong masira ang aming pagsasama. Noong una ay hindi naman siya ganyan. Matapos lang ang isang taon, nang magka-anak kami ng isa ay doon na nagsimula ang kanyang panlalamig.

Gusto ko na tuloy humanap ng iba.

Ano maipapayo mo sa akin Dr. Love?

Rav

Dear Rav,

Manatili kang tapat sa misis mo. Hindi solusyon ang paghahanap ng ibang kandungan.  Kung ibig mo, sumangguni kayo sa clinical psychologist na puwedeng makatulong sa inyo.

Maaari ring pagod siya sa gawaing bahay. Wala ba kayong katulong? Magbakasyon kayo paminsan-minsan. Sa Baguio o Tagaytay, mamasyal sa mga romantikong lugar para ma-relax ang kanyang isipan.

Dr. Love

ANO

BAYAAN

DALAWANG

DEAR RAV

DR. LOVE

IKUBLI

KESYO

RAV

SA BAGUIO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with