Dear Dr. Love,
It’s a wonderful day and I give you my warm greetings!
Ako po ay matagal nang suki ng Pilipino Star Ngayon. Ito ang pahayagang Pilipino na nakalakihan ko na.
Tawagin n’yo na lang akong Andy, 24-anyos at isa pang binata.
May kasintahan ako. Tawagin mo na lang Tessa. Alam kong may anak siya pero ang sabi niya sa akin ay anak niya ito sa boyfriend niya na nagtaksil sa kanya. Balewala sana sa akin ito.
Kaso, kamakailan ay nalaman ko na kasal pala siya sa ama ng kanyang anak.
Dahil dito’y nagpasya akong makipag-break sa kanya. Alam kong ito’y labag sa batas ng Diyos at ng tao.
Pero umiyak siya sa harapan ko. Mayroon na raw sariling pamilya ang mister niya at gusto niyang makapag-move on. Gusto niya ay magsama na lang kami kahit hindi kasal. Ayoko naman nang ganito dahil kasalanan sa Diyos.
Ano ang gagawin ko?
Andy
Dear Andy,
Tama ka. Magiging problema iyan pagdating ng araw kung hindi magiging legal ang inyong relasyon. Ilagay muna ninyo sa ayos.
Tutal puwede na ngayon ang annulment o pagpapawalang bisa ng kasal. Himukin mong gawin niya ito para hindi kayo magkaroon ng problema.
Dr. Love