Annulment

Dear Dr. Love,

Hi and hello Dr. Love. Umaasa po ako na nasa mabuti kang kalusugan sa pagtanggap sa aking abang liham.

Pakitago na lang po ako sa pangalang Winnie, 25-anyos. Dalawang taon na po kaming hiwalay ng aking asawa na sumama sa ibang babae.

Wala pa pong pormal na annulment ang a­ming kasal dahil siya ang hinihintay kong gumawa nito. Masyado kasing mahal para sa katulad kong mahirap lang ang prosesong ito ng annulment.

Magmula pa sa una ay hindi na siya naging matapat sa akin. Isang taon lang matapos ka­ming ikasal ay nagsimula na siyang mambabae. Napilitan akong maghanap-buhay dahil nagkukulang siya ng sustento sa akin at sa dalawa naming anak.

Gusto ko na ring mag-move on dahil may iba na siyang pamilya ngayon at ako naman ay nangangailangan ng katuwang sa pagpapalaki ng aking anak.

May boyfriend ako ngayon. Maliit lang siyang negosyante pero kahit hindi niya tunay na anak ay hindi siya nagkukulang sa sustento at tulong.

Kaso, ayaw kong may masabi ang ibang tao na may asawa akong tao pero nakikipag-live in sa ibang lalaki.

Ano ang aking gagawin?

Winnie

Dear Winnie,

Kung tutuusin, ikaw ang dapat mag-file ng annulment dahil ang asawa mo ang may pagkukulang na ground for annulment. Ito ang marital infidelity.

Pero ngayong may kinakasama ka na rin, pareho na kayong may pagkukulang. Pera ang pinoproblema mo sa pagpapa-annul.

Siguro puwede ninyong pag-usapan ng da­ting mister mo iyan nang sa gayon ay pareho na kayong makapag-move on nang hindi lumalabag sa batas ng tao. Maaari kayong mag-usap at paghatian na lang ang ano mang gastusin sa annulment.

DR. LOVE

Show comments