^

Dr. Love

Minsang nagkamali

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Napilitan akong lumiham sa iyo dahil wala na akong ibang mahihingahan ng aking problema liban sa iyo.

Hanga ako sa mga ginintuang payo mo sa mga may problema sa pag-ibig at kabilang po ako sa mga taong ibig humi­ngi ng iyong advice.

Tawagin mo na lang akong Marla, isang accountancy graduate. Hindi n’yo naitatanong, dati akong GRO sa isang club.

Pangarap ko kasing makatapos ng pag-aaral at ‘yun lang ang paraan para matustusan ko ang aking pag-aaral dahil wala na akong mga magulang.

Nang ako ay GRO pa, may nakarelasyon akong matandang lalaki pero yaon ay magsasampung taon na ang nakararaan.

Ngayon ay may boyfriend ako pero nang ipakilala ako sa kanyang magulang ay nasindak ako dahil ang kanyang tatay ay ang lalaking nakarelasyon ko.

Pareho kaming nagulat at ito ang dahilan kung bakit nilayuan ako ng aking boyfriend. Masakit dahil ito’y isang pagkakamali na tila pagdurusahan ko habang ako’y nabubuhay.

Ano ang gagawin ko?

Gumagalang,

Marla

Dear Marla,

Masakit ang nangyari sa iyo pero mas makabubuting magkalayo kayo ng iyong kasintahan dahil mahirap tanggapin para sa kanya na ang mismong ama niya ay naging karelasyon mo.

Ang importanteng nangyari sa iyo ay naabot mo ang iyong pangarap. Huwag mong hayaan na masira ng mapait na alaala ang iyong buhay.

May mga magaganda pang pangyayaring mangyayari sa iyo kaya abangan mo na lang ang mga iyon.

Dr. LOVE

 

AKO

AKONG

ANO

DEAR MARLA

DR. LOVE

GUMAGALANG

MARLA

MASAKIT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with