^

Dr. Love

May 7 anak ang kinakasama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ulila po akong lubos at walang malalapit na kamag-anak dito sa Metro Manila, marahil dala ng lubos na pangungulila at pagnanais na may nagmamahal ay nagkagusto ako sa isang babae na hiwalay sa asawa, si Lily.

Ang problema ko po ay ang bumibigat na responsibilidad dahil sa pitong anak niya, bukod pa ang apo at dalawang manugang na lalaki. Hiniwalayan po ni Lily ang kanyang asawa dahil batugan ito at nagbibisyo pa ng sugal gayung walang pirmihang trabaho.

Sa nasabing paghihiwalay, sumama kay Lily ang dalawa niyang anak na babae, kasama ang dalawang anak na lalaki na may edad 6 at 4, ang iba pang anak ay kinuha ng ama at siya raw ang mag-aalaga.

Ang problema kapag may sakit na ang mga bata ay saka niya ibabalik sa amin. At ang matindi pa, kahit pa nagsipag-asawa na ang ibang anak ng kinakasama ko ay sa amin pa rin tumatakbo kapag wala nang makain, maipanggatas at ma­ging pang-diaper sa kanilang anak. Hindi na po kami nakakaipon dahil napupunta na lahat sa kanila ang kita ko.

Nakakaramdam lang po ako ng pagkaawa sa sarili ko, dahil bagama’t ako ang naghahanap-buhay sa pamamagitan ng pamamasada ng taxi, nitong nakaraang araw ng birthday ko, ni-hindi ko maibili ang sarili ko kahit pansit. Gustuhin ko mang huwag pumasada ay hindi ko rin magawa dahil sampung bibig ang umaasa sa kita ko bawat araw.

Kung didisiplnahin ko pa ang malalaking anak ni Lily ay nakakarinig pa ako ng hindi magandang salita. Bagaman asikasung-asikaso naman ako ng kinakasama ko ay nakakapag-isip akong hiwalayan na lang siya dahil mistulang atsoy nila akong mag-iina.

Ano po ba ang dapat kong gawin?

Gumagalang,

Rudy

Dear Rudy,

Hindi nga madali ang pinasok mong buhay. Ang masasabi ko lang ay hindi ako pabor sa live-in kaya kaysa magdusa ka dahil sa responsibilidad ng iba, makakabuti pa na simulan mo ang sarili mong buhay. Binata ka naman at may hanap-buhay. Kapag natagpuan mo ang tunay na pagmamahal ay gawin mo ang lahat para gawing legal sa mata ng tao at Diyos ang inyong pagsasama.

DR. LOVE       

AKO

ANAK

ANO

BAGAMAN

BINATA

DAHIL

DEAR RUDY

DR. LOVE

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with