Kasambahay­

Dear Dr. Love,

Stay out maid po ako ng isang pamil-yang pinag-refer-an sa akin ng kamag-anak. Nakapasok si Ate Dory sa isang laundry shop kaya nagpasya siyang magpaalam sa kanyang amo na aalis at ako ang kanyang inirekomendang pumalit.

Dahil nawalan ng trabaho ang aking ka-live in at dalawang buwan na kaming hindi nakakaba-yad sa inuupahang kuwarto sa Caloocan, hindi na po ako nagdalawang-isip na sunggaban ang iniaalok ni Ate Dory.

 Pinayuhan niya akong magkaroon ng mahabang pasensiya lalo na sa among babae. Hindi naman po ito problema sa akin. Ang hindi ko po sukat akalain ay sa kabila ng pagganap ko ng tapat sa aking pagiging kasambahay ay ididiin ako ng amo kong babae sa kasalanan na kahit sa isip ay hindi ko magagawa. Pinagbinta-ngan akong nagnakaw ng pera.

Sa totoo lang po, Dr. Love kahit pa hindi tumupad sa usapan ang aking amo na pasasahuran ako linggu-linggo ay hindi po sila nakarinig ng hindi maganda mula sa akin. Umaasa pa rin akong pasasahuran nila ako ng tama.

Pero sobra po ang ginawa niya sa akin. Ipinabarangay pa ako at sinabing hindi na makakabalik sa kanilang bahay. Hindi ko po mapapalampas na i-ty na lang ang pinagpaguran ko. Iniharap ko si Ate Dory sa barangay at iprinisinta ang aking NBI at barangay clearance, katunayan na hindi ako masamang tao. Minalas lang dahil ang napasukang amo ay wala pa lang pambayad ng katulong.

Pumayag ang barangay na mag-vigil ako ng isang linggo sa harap ng bahay ng aking amo. Isinama ko po ang aking asawa, kumuha po ito ng simpatiya sa mga kapitbahay at mga pinagkakautangan ng aking amo. Kaya pangalawang araw pa lang ng vigil ay ibinigay na nila ang sweldo ko. Sana po maging aral din ito sa mga kapwa ko kasambahay, na huwag magpaapi sa kanilang amo.

Salamat po Dr. Love at more power to you.

Gumagalang,

Virgie

Dear Virgie,

Salamat sa liham mo. Tunay na kahit ano pa ang kalagayan natin sa buhay, huwag natin pabayaan na may umapak sa ating pagkatao. Lalo na kung nasa panig ka ng katotohanan.

DR. LOVE  

Show comments