^

Dr. Love

Hindi mahiwalayan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa totoo lang ay marami na akong hini­ngan ng payo sa heart problem ko pero hindi pa rin ito malutas. Pare-pareho kasi ang sinasabi nila sa akin. Bagay na napaka­bigat gawin para sa akin. Iyan ang dahilan kung bakit nagpasya na akong sumulat sa inyo.

Tawagin mo na lang akong Merle, 19 anyos getting 20 sa susunod na buwan. At ang problema ko po ay tungkol sa aking­ boyfriend na natuklasan kong may asawa na.

Kahit nalaman ko ito, bagama’t nasak­tan ako ay hindi ko siya mahiwalayan dahil mahal ko siya. Lagi pa rin kaming nag­de-date because I love his company at ma­mamatay ako kung mawawala siya.

Pero naiisip ko rin ang aking kalaga­yan. Paano kung mabuntis ako? Payo ng mga close friends ko ay makipag-break na ako sa kanya pero hindi ko magawa.

Sabi kasi niya na mahal na mahal niya ako at magpapakamatay siya kapag iniwanan ko siya. Natatakot ako sa maaaring mangyari kapag nagkalayo kami.

Ano ang gagawin ko? Tulungan mo po ako Dr. Love dahil napakabigat ng aking problema.

Merle

 

Dear Merle,

Bakit ka pa humihingi ng payo kung hindi mo pala siya kayang hiwalayan sa kabila ng lahat?

Ang payo ko ay tulad din ng payo ng mga kaibigan mo. Makipaghiwalay ka. ‘Yun ang pinakatama at matinong desis­yon na magagawa mo.

Magpapakamatay siya? Bahala siya sa buhay niya. Isipin mo na unang-una, labag sa batas ng tao at ng Diyos ang ginawa ninyong dalawa. Sino ba ang mahalaga sa iyo, ang boyfriend mo o ang Diyos?

Tama ka. Paano kung mabuntis ka? Lalong lalaki ang problemang pasan mo.

Kaya magdesisyon ka ng tama habang maaga.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

BAGAY

DEAR MERLE

DIYOS

DR. LOVE

PAANO

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with