Inunahan ng takot

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang po ako sa pangalang Mrs. Depressed. Higit isang taon pa lang kaming kasal ng aking asawa. Napakabait niya at mapagmahal. Hindi ko akalain na darating sa buhay ko ang isang mabigat na problema at ayokong madamay ang mister ko.

Bago kami ikasal ay may lihim akong hindi nasabi sa kanya. Mayroon kasi akong breast cancer na nang una kong ipasuri ay nasa stage 1 pa lang. Binigyan ako ng medication at sinabihang magbalik matapos ang tatlong buwan.

Sabi nila ay hindi pa malala at puwede pang gumaling ang stage 1 kaya kampante akong hindi na ito lulubha pa.

Kasalanan ko rin dahil hindi na ako nag-follow up sa karamdaman ko. Akala ko’y kayang pagalingin ito ng panalangin at ng gamot na inihatol ng doktor sa akin.

Pero nitong mga nakalipas na araw ay nakapa kong parang lumaki kaysa dati ang bukol sa suso ko.

Ayaw kong sabihin ito sa mister ko dahil ayaw ko siyang mag-alala.

Natatakot din akong magpatingin sa doktor baka malaman kong may taning na ang buhay ko.

Linda

Dear Linda,

Makabubuti kung sasabihin mo ito sa mister mo hanggang maaga para mabigyan ka ng moral support. Tungkulin ng mag-asawa ang magdamayan.

Pero tila naunahan ka ng takot. Huwag kang matakot magpatingin sa doktor at baka naman hindi pa talagang malubha ang iyong sakit.

Maraming survivors sa ganyang uri ng ka­ram­daman basta’t magpakatatag ka lang at mag­tiwala sa Diyos. Ako ay nananalig sa hi­mala dahil marami na akong naranasang kabutihan ng Diyos.

Sa totoo lang, walang nakakaalam kung hanggang kailan tayo mabubuhay kundi ta­nging ang Diyos lamang at para sa Diyos, walang imposible.

Dr. Love

Show comments