Dear Dr. Love,
Hindi ko na sana gustong maalala pa ang naunsiyaming pag-ibig, pero parang nanaÂnadya ang tadhana dahil bahagi na naman ng paligid ko ang babaeng una kong minahal.
Naglilingkod po ako sa opisinang pag-aari ng mga magulang ni Marife. Kahit noon pa’y magkaibigan na kami, hindi ko ginamit ito para makakuha ng promotion.
Noon pa man, ang pagiging malapit naÂmin sa isa’t isa bagaman magkaibigan lang talaga ay tinutulan ng kanyang paÂmilya. Isang kamag-anak niya ang nagsabi sa akin na tigilan ko na ang pakikipagmabutihan kay Marife dahil may lalaking nakalaan para sa kanya.
Ilang buwan pa ay ikinasal na siya at nanirahan sa Canada. Pero matapos ang limang taon ay nagkita uli kami. Hindi ko alam kung request niya o sadyang nataon lang na muli kaming magkasama sa isang division. Dahil ang kakayahan ni Marife ay talagang angkop sa sports writing.
Dr. Love, kahit pa sa mga nangyari kay Marife ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko po alam ngayon kung dapat ko pa rin ba siyang iwasan, gaya ng ginawa ko dati, gayo’y ikinukwento niyang ang dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang asawa ay hindi niya talaga ito mahal. Pagpayuhan po ninyo ako.
Maraming salamat po.
Gumagalang,
Eddie
Dear Eddie,
Ngayong diborsiyada na ang babaeng noon mo pa minahal, wala ako nakikitang problema kung maging tapat ka sa iyong kalooban. Isa pa hindi mo malalaman ang score mo sa kanyang puso kung hindi ka kikilos.
Pag-aralan mong mabuti ang iyong first move at siyempre, mabuti rin na ihanda mo ang iyong sarili sa anumang maaaring kahinatnan nito. Good luck sa iyo.
DR. LOVE