^

Dr. Love

Nangungulila kay Misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Pleasant and blessed day to you. Tawagin mo na lang akong Delfin, biyudo sa batang gulang na 27 anyos. Bagong kasal pa lang kami nang mamatay sa isang car accident ang misis ko.

Three years na nang mangyari yaon at miss na miss ko siya ngayon. Inuudyukan ako ng sarili kong magulang at kapatid na humanap ng bagong pag-ibig. Pero sa totoo lang, wala akong matagpuan na makakatumbas sa misis ko.

Pero talagang ayaw ko namang manati­ling single habangbuhay. Hindi ako nabigyan ng anak ng asawa ko bago siya mamatay at pangarap ko rin ang magkaroon ng malaking pamilya.

May napupusuan ako ngayon pero hindi ko pa rin masasabing maipapalit ko sa yumao kong asawa. Masyadong mabait at maunawain ang misis ko bagamat pangkaraniwan ang ganda. Nangayayat nga ako nang mamatay siya.

Ngayon ay medyo nakakabawi na ang aking kalusugan at sa paghahanap ng bagong partner ay natagpuan ko ang babaeng dini-date ko ngayon.

Ang hindi ko malaman ay ang ugali ng misis ko ang hinahanap ko sa kanya. Ano ang gagawin ko?

Delfin

Dear Delfin,

Lahat ng tao ay magkakaiba. Wala kang makikitang eksaktong magkatulad kahit sa mga kambal. Laging may pagkakaiba.

Ang asawa mo’y nagpapahinga na sa kabilang buhay at hayaan mo na siya roon.

Naniniwala ako na saan man siya naroroon ngayon, matutuwa siyang makitang maligaya ka.

Bigyan mo nang pagkakataon ang sarili mo na magmahal at mahalin ng iba at alam kong sa gulang mo ngayon na bata pa, matatagpuan mo ang karapatdapat na babae basta’t huwag mo na lang hahanapin ang katangian ng namatay mong misis.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

BIGYAN

DEAR DELFIN

DELFIN

DR. LOVE

INUUDYUKAN

LAGING

LAHAT

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with