Hiwalay

Dear Dr. Love,

Sweet greetings to you. May limang taon na akong avid reader ng maganda mong colu­mn at ‘di ko akalain na hihingi rin ako ng payo mo.

Tawagin mo na lang akong Lida, 27-anyos at hiwalay sa asawa sa loob ng tatlong taon. Walang formal annulment ang nangyaring paghihiwalay at iniwan niya sa akin ang dalawa naming anak.

Mayroon akong boyfriend ngayon at alam ito ng dati kong asawa. Wala siyang objection dahil may kinakasama na rin siya.

Okey bang ituloy ko ang ganitong arrangement? Marami naman akong friends na katulad ko. Separated at kuntento na sa live-in.

Pagpayuhan n’yo po ako.

Lida

Dear Lida,

Kahit pareho kayong may consent ng asawa mo (dahil mag-asawa pa rin kayo bagama’t magkahiwalay), baka maging problema iyan pagdating ng araw.

Ang problema ay papasanin ng mga magi­ging anak ninyo na magiging illegitimate childre­n.

Kaya makabubuting daanin sa prosesong legal. Puwede kayong magkasundo ng asawa mo sa annulment para hindi kayo maka-engkuwentro ng mga legal na balakid pagdating ng araw.

Dr. Love

Show comments