Dear Dr. Love,
Mangyaring ikubli na lang n’yo ako sa pangaÂlang Brenda.
Dalagang-dalaga po ako at never been kissed, never been touch.
Pero may best friend ako noon na nabuntis sa pagkadalaga at namatay sa panganganak. Sa tagubilin niya bago mamatay, kinuha ko at inaring anak ang bata.
Bale single mother po ako ngayon ng batang ito na 7 years old na. Nagtatrabaho po ako bilang corporate secretary at ang kinikita ko ay inilalaan ko sa batang babaeng ito na napamahal na sa akin.
Alam ito ng boyfriend ko pero ang gusto niyang mangyari ay ipamigay ko ang bata sa mga lola niya bago ako pakasalan. Pero ang kaibigan kong namatay ay itinakwil na ng kanyang pamilya at ayaw kilalanin ang bata.
Ano ang gagawin ko?
Brenda
Dear Brenda,
Kausapin mo at kumbinsihin itong boyfriend mo dahil hindi naman karakarakang maÂipamimigay ang bata sa ganyang edad na naÂde-develop na ang isip.
Para sa akin, isang selfishness ang ibig ng boyfriend mo na ipamigay ang bata. Ang pag-aaruga sa ulila ay pinagpapala ng Diyos, iyan ang sabihin mo sa kasintahan mo.
Siguro may puso rin naman siyang maruÂnong mahabag.
Dr. Love