^

Dr. Love

Hindi pala ikalawang langit

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Greetings to you, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Selmo. Nang mabiyudo ako sa una kong asawang si Gloria five years ago, ako na ang nagtaguyod sa kaisa-isa naming anak na sampung taon na ngayon.

Nakilala ko ang isa pang babaeng nagpatibok ng puso ko na Gloria rin ang pangalan.WWWW Niligawan ko siya at ang akala ko’y natagpuan ko ang “ikalawang Gloria” sa kanya.

Hindi mo naitatanong, ulirang asawa ang una kong Gloria, masipag at mapagmahal.

Tatlong taon na kaming nagsasama ng aking ikalawang Gloria nang lumitaw ang tunay niyang ugali. Mahilig mag-mad­yong at minamaltrato ang aking anak kapag ako’y nasa opisina.

‘Di ba may kasabihang “ikalawang Gloria na ang ibig sabihin ay bagong kaligayahan? Nagkamali pala ako. Gusto kong hiwalayan ang babaeng ito dahil hindi ko makukunsinti ang ginagawa niya sa kaisa-isa kong anak. Ano ang dapat kong gawin?

Selmo

Dear Selmo,

Kung magagawan ng paraan para masalba ang relasyon ninyong mag-asawa ay gawin mo. Mag-usap kayo at sika­ping magkasundo.

Kung sadyang wala ng remedyo ay doon pa lang dapat gamitin ang legal na karapatang magpa-annul ng kasal.

Kung magagawa niyang magbago ay huwag mo siyang hiwalayan. Pero kung hindi, go ahead. May matibay na dahilan na pawalang-bisa ang inyong kasal dahil nabibingit sa panganib ang iyong anak.

Dr. Love

 

ANO

DEAR SELMO

DR. LOVE

GLORIA

MAHILIG

NAGKAMALI

NAKILALA

NANG

SELMO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with