^

Dr. Love

Teacher-student Love affair

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Just call me Fidel, 24-anyos at isang teacher sa high school.

Nagkaroon ako ng lihim na relasyon sa isa kong estudyanteng babae na 16 years old lang.

Iginalang ko siya at kung nagdi-date man kami, hanggang pamamasyal lang at pagkain sa labas.

Pero nakarating ito sa kaalaman ng kan- yang mga magulang kaya ako’y isinumbong sa pangasiwaan ng paaralan.

Tinanggal ako sa paaralang yaon. Ang ma- sakit sa akin ay hindi na kami nagtagpo ng aking kasintahan.

Gayundin, wala nang paaralang ibig tu- manggap sa akin dahil sa pangyayaring yaon.

Kaya ngayo’y humahanap ako ng ibang trabaho sa labas ng pagtuturo.

Mahal ko ang aking batang kasintahan at hanggang ngayo’y masakit pa rin sa akin ang aming paghihiwalay. Ano ang gagawin ko para mapawi ang nararamdaman kong sakit, Dr. Love?

 

Fidel

 

Dear Fidel, Teacher ka at batid mo na siguro na may

ethics na sinusunod ang mga guro lalo na sa pakikipagrelasyon sa kanilang mga estud­ yante. Pero naririyan na ‘yan. Nagkamali ka.

Charge to experience wika nga. Pasalamat ka at hindi ka idinemanda ng mga magulang ng babae na isang menor­de­edad.

Pagsikapan mo na lang na maghanap ng ibang trabaho at sana’y natuto ka na ng mahalagang aral sa iyong karanasan.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DEAR FIDEL

DR. LOVE

GAYUNDIN

IGINALANG

KAYA

NAGKAMALI

NAGKAROON

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with