Dear Dr. Love,
Magnobyo pa lang kami ng aking asawang si Cris ay lantaran na ang pagpapakita sa akin ng aking biyenan na hindi niya ako gusto para sa kanyang anak. Ang matagal ko nang pinagtitiis ay ang pagsasalita niya sa akin ng hindi maÂganda, na kung minsan ay sinasadya pa niyang may ibang makarinig.
Gusto kong makaiwas sa biyenan ko, kaya naman tuwing nalalapit ang semana santa ay nag-iisip na ako ng dahilan para hindi makapag-bakasyon sa probinsiya nila Cris. Kung minsan po kasi ay talagang verbal abuse na at hindi na ako makatiis na hindi sumagot.
Sukat ba namang ipangalandakan sa iba ang malapit na agwat ng kanyang apo at dahil daw ito sa pagkahilig ko sa romansa palibasa’y buong araw raw akong nakatihaya sa bahay.
Ako rin ang sinisisi niya kung kaya hindi napunta sa kanila ang lupa na dating sinasaka ng biyenan kong lalaki, dahil ako raw ang pinakasalan ni Cris at hindi si Lucila, ang anak ng may-ari ng lupa.
At kung kinukulang ang padala ng aking asawa para sa kanila, ako raw ay nagdadamot. Dr. Love, kapag nagsala-salabat na po ang lahat sa kalooban ko nawawala po ang respeto ko para sa nanay ng asawa ko. Sobrang pagpipigil sa sarili ang ginagawa ko, dahil ayaw ko po siyang patulan.
Mahal ko ang asawa ko at gusto ko rin pong mahalin ang lahat ng mga mahal niya sa buhay. Pero ang problema ko po ay gustong bilhin ng asawa ko ang bahay at lote na malapit sa bahay ng aking biyenan. Paano ko po ba masasabi sa kanya na ayaw ko nang hindi niya ipagdaramdam? Pagpayuhan po ninyo ako.
Gumagalang,
Wilma
Dear Wilma,
Pag-aralan mo ng mabuti ang sitwasyon bago mo kausapin ang asawa mo. Baka may hindi siya naikukonsidera tungkol sa property, maaÂaring mga lapses sa kontrata o kaya’y magiÂging praktikal ba ito talaga sa inyong lumaÂlaking mag-anak? Mga ganung bagay, saka mo kaÂusapin nang sarilinan ang mister mo. Tungkol naman sa biyenan mo, lagi mo siyang isama sa pagdarasal na baguhin ng Dios ang puso niya at maging mabuti na siya sa iyo.
DR. LOVE