^

Dr. Love

Tinitikis ang anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko po maunawaan ang sarili kong anak kung bakit nagtitiyaga sa sinamahan niyang lalaki na bukod sa walang pirmihang trabaho ay marami pang bisyo.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pina­kakasalan bagaman pinakisamahan naman siya dahil malaki na ang kanyang tiyan. Itinira siya ni John sa kanilang bahay kasama ng kanyang ina at isang kapatid na lalaki na tulad din niya ay nakasandal pa rin sa magulang.

Kinagalitan si Tessie ng kanyang ama noong mahalatang nagdadalang-tao na siya. Idini­pensa niya agad ang nobyo na nakita lang namin nang minsang magsadya sa bahay para sabihin na nagsasama na sila ng aking anak.

Sa ngitngit sa pagtatanan ng aming bunso, inatake ang asawa ko na siya niyang ikinamatay.

Dr. Love ipinaalala ko po sa aking anak na nakahanda kaming muli siyang tanggapin kung matutunan niya ang daan pabalik sa aming bahay. Pero kahit pa natanggal siya sa travel agency, hindi maganda ang trato ng kan­yang biyanang hilaw at alam kong hirap na hirap na siya sa buhay ay mas pinipili niya pa rin ang buhay sa piling ng kanyang nobyo.

Ang kapatid ni Tessie na palihim na duma­law sa ospital ang nagsabing, kapitbahay ang kasama nito sa isang public hospital nang ma­nganak dahil wala si John at ina-asthma naman ang nanay ng kanyang boyfriend. 

Kahit gustung-gusto ko pong puntahan ang aking­ bunso at iuwi sa bahay para maala­gaan sila ng baby kahit isang buwan lang ay tinikis ko po, dahil gusto kong magsisi ang anak ko sa sinamahan niyang lalaki.

Pero magdadalawa na po ang aking apo sa kanya ay wala pa ring pagbabago. Tulungan mo po ako kung ano ang dapat gawin. Salamat po.

Gumagalang,

Soledad

 

Dear Soledad,

Kahit pa tayo’y magulang, kung nasa tamang edad na ang ating anak ay hindi natin ito madidiktahan sa gusto niyang gawin. Ang maipa­payo ko sa iyo, pakawalan mo ang pagmamahal sa iyong puso at i-enjoy ang bawat pagkaka­taon para sa iyong bunso at apo. Sayang ang araw na hahayaan nating lumipas kung pwede naman maging masaya sa piling ng ating mga mahal sa buhay.

DR. LOVE

DEAR SOLEDAD

DR. LOVE

GUMAGALANG

HANGGANG

KAHIT

PERO

SHY

SIYA

TESSIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with