^

Dr. Love

Magpapakasal na ba ako?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hail to my favorite love columnist. Noon ko pa gustong sumulat sa iyo as early as last year pero ngayon lang ako nagka-lakas ng loob.

First of all, ako si Raceli, 23-anyos at dalaga pa. Nagyayaya na ngang magpakasal ang boyfriend ko noon pang 7 months ago pero ayaw ko pa.

Dalawa pang kapatid ko ang pinapag-aral ko. Alam ko kasi na magiging conflict lang kung mag-asawa ako tapos ako nagbabayad sa tuition­ ng dalawa kong kapatid na nasa 2nd year college­ pa lang. Baka dumating ang punto na mag-aaway kaming mag-asawa dahil diyan. Kambal ang kapatid ko na isang babae at isang lalaki kaya sabay silang magtatapos three years from now.

Sabi ng boyfriend ko ay hindi naman daw problema ‘yon. Nangako pa siyang tutulong sa akin sa pagtataguyod ng mga kapatid ko.

Pero nangangamba ako sa maaaring ibunga nito. Ulilang lubos na kaming tatlong magka­kapatid at ako lang ang maaasahan ng mga kapatid ko.

Papayag ba ako sa gusto ng boyfriend ko?

Raceli

Dear Raceli,

Kung sinsero ang alok ng boyfriend mo, go ahead. Ikaw rin baka magtampo iyan at umatras.

Mapalad ka at may boyfriend ka na iginagalang ang pasya mong tulungan ang dalawa mong kapatid.

Ikaw ay nasa edad na at palagay ko naman, nasa estado na rin ang boyfriend mo para lumagay sa tahimik.

Go ahead, Raceli.

Dr. Love

 

AKO

ALAM

BOYFRIEND

DALAWA

DEAR RACELI

DR. LOVE

IKAW

KAPATID

MAPALAD

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with