Dahil sa minsang pagwawala…
Dear Dr. Love,
Nang mga panahong nakipag-break ako sa tatlong taon kong naging boyfriend, naghihimagsik ang aking kalooban dahil ayaw pa niya kaming magpakasal. Ang sabi ni Oscar ay maghintay pa kami ng tamang panahon.
Inaway ko po siya at hiniwalayan para ipaÂmukha sa kanya na hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Si Mel na alam kong matagal nang nagkakagusto sa akin ang binalingan ko. Gagamitin ko lang sana siya pero natalo ako. Dahil nabuntis ako sa isang gabi na ibinigay ko ang aking sarili sa kanya. Na-realize ko rin noong gabing iyon na hindi ko siya kayang mahalin gaya ng pagmamahal ko kay Oscar.
Pero huli na ang lahat, kahit mahal na mahal ko pa si Oscar at nabalitaan ko mula sa isang common friend na gusto niyang makipagbalikan ay wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Dahil ang minsang pagwawala ko at saglit niyang pagkalingat ay may buhay na sa sinapupunan ko.
At ang malupit ay ayaw panagutan ni Mel ang bata. Hindi raw siya handang magpamilya dahil priority niya ang bisyo niyang alak. Alcohiolic po siya. At isa pa, akala niya raw ay game ako sa mga nangyari sa amin.
Sising-sisi po ako ngayon. Pagpayupahan po ninyo ako dahil hindi rin alam ng magulang ko ang problema kong ito. Paano ko po maisisilang ang baby nang walang ama?
Gumagalang at nagpapasalamat,
Merlinda
Dear Merlinda,
Talagang laging nasa huli ang pagsisisi. Pero nariyan na ‘yan kaya let it be. Face the consequence of your aggressive action. Walang kaÂsalanan ang bata, kaya alagaan mo ang iyong sarili para matiyak ang safety ng buhay sa loob ng iyong sinapupunan.
Kung sa palagay mo ay mahihirapan ka, wala kang ibang masasalingan kundi ang sarili mong pamilya. Ipagtapat mo ito sa iyong mga magulang. Kung mapagalitan ka, natural lang ‘yon. Kaya tanggapin mo ang galit nila.
Tungkol naman sa pagtatapat mo sa iyong ex-boyfriend, gawin mo lang ito kung kinakailangan.
Sana huwag mong kalimutan ang mahalaÂgang leksiyon na ito sa iyong buhay.
DR. LOVE
- Latest