^

Dr. Love

Hindi pa makalimot

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May limang taon nang namayapa ang aking mister na si Franco pero bakit po kaya hanggang ngayon, parang buhay pa siya sa aking puso at isip?

Bata pa naman ako sa edad na 42 at maraming nag-aakalang ako ay dalaga. Marami  po ang nagpapayo sa akin na mag-asawang muli para magkaroon ng anak. Pero hindi ko po ito magawa. Pakiramdam ko po ay isa itong pagtataksil kay Franco.

Pareho pa kaming bata ni Franco nang magtanan, dahil ayaw sa kanya ng aking mga magulang. Maiksi man masasabi ang naging pagsasama namin, ni-minsan ay hindi nagbago ang damdamin namin para sa isa’t isa. Kahit pa sa mga sandaling kinakapos kami sa pinansiyal.

Maraming naituro sa akin ang pag­ka­­ka­sakit ng aking asawa. Kasama na rito ay ang pagpapakumbaba, maging pa­sen­siyosa at pagiging laging positibo.

Gusto ni Franco na magpatuloy ang buhay ko kahit wala na siya. Hindi raw niya ako babawalang mag-asawang muli dahil ganoon niya ako kamahal. Sa mga huling sandali, Dr. Love ay humingi siya ng tawad sa akin…hindi na raw niya makayanan pang labanan ang kanyang sakit.

Sinasabi po ng aking pamilya na nabu­buhay ako sa nakaraan at hindi raw ito ma­ganda para sa aking mental health. Na­tatawa lang po ako dahil normal naman ako, hindi ko rin po basta maiwawalay ang pagmamahal ko sa aking asawa kahit pa siya ay pumanaw na.

Kung kayo po ang tatanungin, sa pa­lagay po ba ninyo may problema sa akin?

Maraming salamat po sa pagbibigay daan sa liham ko.

Gumagalang,

Arlene

Dear Arlene,

Alam mo hindi ako doctor o espes­ya­lista. Pero sa palagay ko, hindi naman agad-agad na masasabing mental problem ang nararanasan mo.

Maaaring hindi ka pa lang nakaka-move on sa pagkamatay ng iyong asawa. Kaya parang ang lahat ay kahapon lang nangyari. Ang maipapayo ko ay bigyan mo muna ng pagkakataon ang iyong sarili na maka-re­cover. Hingin mo ang gabay ng Panginoon para makakawala ka sa pangungulila sa iyong asawa.

DR. LOVE

AKING

AKO

DEAR ARLENE

DR. LOVE

MARAMING

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with