Dear Dr. Love,
Hindi ko po mapigilan ang aking sarili na sumama ang loob sa aking inay, na hindi ako tinatantanan na maghanap ng trabaho gayong alam naman niya na kailangan ko munang tumupad sa gawain ng aming simbahan bilang pagtanaw ng utang na loob dahil sa scholarship grant na ibinigay nila sa akin.
May mga kapatid pa po kasi akong nag-aaral at ang paglalabada lang ni inay ang napagkukunan para sa pangangailangan ng aming paÂmilya. Wala na rin po kasing trabaho ang aking amain.
Dr. Love, nasasaktan na po ako sa mga sinaÂsabi ng aking ina dahil pinupulaan na po niya ang pagiging misyonaryo ko. Sa halip ay atupagin ko raw ang paghahanap ng trabaho kahit foodchain lang para makatulong na ako sa mga gastusin, lalo sa pagpapaaral sa aking mga kapatid.
Dahil sa hinanakit ay naipagtapat ko sa aking tiyahin ang tungkol dito at na surpresa po ako sa sinabi niyang kung hindi lang daw iniwanan ng aking ina ang tunay kong ama ay hindi raw kami maghihirap ng husto. Kaya pala iba ang itsura ko kaysa sa mga kapatid ko, dahil iba pala ang tatay ko.
Hindi po nakasagot agad si inay nang tanuÂngin ko sa kanya ang tungkol dito. Sinabi niya patay na raw ang tatay ko at ayaw niyang makilala ako ng mga kapatid nito. Dahil baka ilayo raw ako sa kanya. Ang pang-aapi ng mga kamag-anak ng tatay ang nagtaboy sa nanay ko palayo dahil kasambahay lang siya nila.
Dahil sa mga nalaman ko kay inay ay wala po akong ganang hanapin pa ang pinagÂmulan kong dugo. Tama po ba ang nararamdaman ko?
Gumagalang,
ALEX
Dear Alex,
Ang kalooban mo lang tungkol sa iyong pagkatao ang makakapag-udyok sa iyo kung magiging mahalaga ba sa iyo na matunton ang mga kamag-anak ng tatay mo o hindi.
Sakaling makapagdesisyon ka, isama mo rin ang katanungan kung ano ang posibleng idulot nito sa iyo, sa iyong inay at sa paÂmilyang meron ka ngayon. May the grace of God be with you always.
DR. LOVE