Dear Love,
Hindi po kami mayaman. Nakakahinga lang sa ilong ika nga dahil tapos na ng kolehiyo at may trabaho na ang dalawa naming anak.
Ang problema ko po Dr. Love, bakit po kaya ang tatlong kapatid na babae ng mister ko, ang trato sa amin parang palabigasan?
Nakatatandang kapatid nila ang asawa ko at nang mamatay ang kanilang ama, sa asawa ko inihabilin ang tatlong nakababatang kapatid. Mabait ang mister ko. Kahit na nagsipag-asawa na ang mga kapatid, kapag dinaingan, pilit na nagdedelihensiya kung nataong gipit kami sa pera noong panahong nagsisipag-aral pa ang aming mga anak.
Para sa akin, hindi bale ang utang na walang bayaran sa problemang nauukol sa pagkakasakit at pang-tuition ng anak. Pero kung pangÂluho lang, nakakarinig ang mister ko ng hindi maganda.
Gusto mo kasi magparetoke ng 55-anyos kong hipag. Magpapalagay siya ng bridge sa kanÂÂyang ilong dahil wala siyang balingusan. Gagawin niya ito dahil next year ay pupunta ang manliligaw niyang Amerikano para bisitahin siya.
Ang problema, sa mister ko siya humihingi ng panggastos. Hindi makasagot ang asawa ko dahil alam niya na salungat iyon sa aming napag-usapan. Kaya ako na ang nagsalita. Sinabi ko sa aking hipag na kung mayroon akong kaunting savings, ito ay laan sa pagpapaayos ng bubong na mayroon nang tulo at pagpapalit ng kinaÂlawang nang bakal sa aming gate.
Masama ang loob na umalis si Benilda at pagkatapos noon, ipinamalita na akong kuripot at isang dominanteng asawa. Bakit po kaya mayÂroong mga tao na hindi marunong umunawa at laging ang kanilang gusto ang siyang mangyayari? Galit na ngayon si Benilda sa akin. Tama lang po ba ang aking ginawa?
Gumagalang,
Carmencita
Dear Carmencita,
Kung minsan kailangan ang bahagi ng sakit para maging sensitibo ang mga tao sa ating paligid sa epekto ng paulit-ulit na kilos. Dahil sa mahabang panahon ay namihasa na ang mga kapatid ng asawa mo na sa kanya humihingi, nawala na ang konsiderasyon nila sa iyo bilang asawa at sa mga anak mo bilang pamilya ng kanilang kuya.
Wala akong nakikitang masama sa ginawa mo dahil iyon ang tapat na dahilan mo sa pagsisinop ng panggastos ninyo.
Dr. Love