^

Dr. Love

Lesbian ang ipinalit kay Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang pagkakakilala ko kay Ditas ay isang malayong kamag-anak ng aking ina. Hindi pa man nagkakalabuan ang pagsasama ng aking mga magulang, laman na siya ng aming bahay. Siya ang nagsisilbing taga-alo ng aking ina kung nag-aaway sila ng aking daddy dahil sa kanyang mga babae.

Sa edad na 15-anyos, naiintindihan ko na noon pa ang pagiging palikero ni daddy na siya ngang naging daan sa kanilang paghihiwalay.

Hindi na rin ako nagtaka nang lumipat sa bahay namin si Ditas para mangasera dahil noon, nasa huling taon na siya ng kanyang masteral degree in economics. Nakatulong ng malaki sa aming pangangailangang pinansiyal ang bayad ni Ditas sa board and lodging habang nag­ha­hanap pa ng empleyo ang aking ina.

Edad disiseis na ako nang matuklasan ko ang relasyon ng aking ina at ni Ditas. Isa pala siyang lesbiana at ang aking mommy ang siya niyang girlfriend. Hindi ko po alam ang gagawin ko sa natuklasang sikreto nila.

Ipinagtapat ito ni mommy, kahit hindi ako sang-ayon ay nirerespeto ko ang kanyang desis­ yon. Sinisisi ko ang daddy ko tungkol sa bagay na ito. Gusto ko pong maitama ang lahat pero naka­depende pa ako kay mommy at alam ko ang paghihirap niya.

Ano kaya ang sasabihin ng aking ama kung malaman niya na ang ipinalit sa kanya ni mommy­ ay isang tomboy? Habang tumatagal ay parang nagiging pangkaraniwan na po sa akin ang pakikipagrelasyon ni mommy sa kapwa niya babae. May kasalanan din po ba ako?

Gumagalang,

Jenny

Dear Jenny,

Wala kang kasalanan sa piniling landas ng iyong ina. Kung isa itong uri ng pagrerebelde sa ginawa sa kanya ng iyong daddy, in some ways, dulot din ang pagpapabaya ng daddy mo sa pagpatol ng ina mo sa kapwa babae.

Kahit tutol ka sa kasalukuyang relasyon ng ina mo sa isang tomboy, igalang mo ang kanyang naging desisyon. May sarili na siyang pagpapasya at hindi na siya bata para turuan mo kung alin ang wasto at mali.

Huwag mo nang problemahin ang isyung ito. Mag-aral kang mabuti para sa sandaling maka­tapos ka na, matutulungan mo na ang nanay mo.

Idalangin mo na lang na sana, magising sa katotohanan ang ina mo na ang relasyong babae sa babae ay  lihis sa aral ng Panginoon.

Dr. Love

vuukle comment

AKING

ANO

DEAR JENNY

DR. LOVE

EDAD

GUMAGALANG

HABANG

INA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with