^

Dr. Love

Suitor si Boss

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

My sweet greetings to you at sa lahat ng mga tagasubaybay ng malaganap mong column.

Itago mo ako sa pangalang Rose, 22-anyos at nagtatrabaho bilang corporate secretary.

Sekretarya ako ng CEO ng aming kompanya na itago mo na lang sa pangalang Ricky, 34- anyos lang siya at may asawa na.

Madalas magpunta sa office ang kanyang misis at mukhang mataray at suplada. Hindi na binibigyan ng kahihiyan ang boss ko at sinisigawan kahit kaharap ako.

Naaawa ako sa aking boss. Minsan niyaya akong mag-lunch ni Boss at dito niya ibinulalas ang kanyang sama ng loob. Hindi raw niya talagang mahal ang misis niya at siya ay ipinagkasundo lang ng kanyang mga magulang na kaibigang matalik ng magulang ng misis niya.

Nagkapalagayang loob kami at minsa’y nagtapat siya ng pag-ibig sa akin. Hindi ko pa siya sinasagot pero parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Ano ang gagawin ko?

Rose

Dear Rose,

Isipin mo ang consequence kung papatol ka kay Ricky. Magiging other woman ka. Magkakaroon ka ng bad reputation na naninira ng pamilya.

Isa pa, baka nagtapat ng pag-ibig sa iyo si Ricky dahil naghahanap lang siya ng outlet  para maibulalas ang kanyang damdamin.

Baka rin naaawa ka lang sa kanya kaya nagkakaroon ka ng simpatiya. Kaya ang payo ko, tapatin mo si Ricky at sabihing iwaksi ang kanyang nararamdaman para sa iyo. Sabihin mong wala siyang maaasahan sa iyo, period.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DEAR ROSE

DR. LOVE

ISA

ISIPIN

ITAGO

KAYA

MADALAS

RICKY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with