^

Dr. Love

Nagbago ang mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Disappointed po ako sa napili kong paka­salang lalaki nang unti-unting lumantad ang kanyang tunay na ugali na ibang-iba kaysa pagkilala ko sa kanya noong siya ay binata pa.

Noong nanliligaw pa lang siya at maging­ noong panahon ng aming engagement, ma­una­wain siya, pasensiyoso at very loving. Ma­tanda si Carlo sa akin ng 10 taon. Unang taon pa lang ng aming pagsasama, napuna ko nang parang nagbabago na siya.

Taliwas sa usapan namin na magtatrabaho pa rin ako kahit mag-asawa na kami, pinahinto po niya ako nang magdalan-tao. Mag-full time mommy na lang daw ako at asawa niya.

Lumabas kalaunan ang tunay niyang dahi­lan­, seloso ang asawa ko. Pinaghihinalaan din pala niya ako na  nagbibigay ng regular na suporta sa aking mga magulang noong nagtatrabaho pa. Bukod dito, nagiging ugat din ng pagtatalo namin ang dinadatnan niyang itsura ng bahay namin. Nahihirapan po kasi akong pagsabayin ang demand ng aking lumalaking anak na matutukan siya at ang mga gawaing bahay. Kung sana ay hindi pinaalis ni Carlo ang aming kasambahay. 

Gusto ng asawa ko na laging malinis ang bahay at nasa areglo ang lahat na kasangkapan. Ang hindi ko pa matagalan ay ang pag-alma niya sa mga gastos. Sa banas ay sinagot ko siya, dahil kung hindi niya ako pinatigil sa tra­baho ay hindi niya babalikating mag-isa ang mga pangangailangang pinansiyal.

Dumalas ang aming pagtatalo lalo na nang bumalik ako sa trabaho. Nilayasan ko siya at umuwi sa aking nanay. Ngayon ay sinu­sundo niya ako, miss na raw niya ako at ang aming baby.

Nag-iisip pa ako ng mabuti kung ano ang dapat na gawin. Ang sabi ng aking kaibigan, baka raw mayroong karanasan noon ang asawa ko na nakakaapekto sa kanyang disposisyon sa buhay. Payuhan mo po ako.

Gumagalang,

Abel

Dear Abel,

Sikapin mong makapag-usap kayo ng ma­buti ng iyong asawa nang maunawaan ang bawat isa. Mula doon ay saka kayo magkasundo kung ano ang dapat gawin para maiwasan ang magulong relasyon. Gawin n’yo ‘yun alang-alang sa inyong anak na siyang pinakanaaapektuhan kapag nagkakagulo ang mga magulang. 

Dr. Love

 

AKO

ASAWA

BUKOD

DEAR ABEL

DR. LOVE

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with