^

Dr. Love

49-anyos at mainit pa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

My warmest greetings to you. Tawagin mo na lang akong Isagani, dating OFW na nagtrabaho sa Brunei.

Sa awa ng Diyos, bumuti ang kalagayan ng aking pamilya at nakapagpundar ako ng negosyo. Sa ngayon ay 49-anyos na ako at ang aking­ asawa ay 45. Wala na kaming problema sa dalawang anak namin na kapwa nakapirmi na sa Amerika kasama ang sarili nilang pamilya.

Kung tutuusin, dalawa na lang kami sa bahay kasama ang isang katulong. Inaaasahan ko na sa ganitong kalagayan ay lalong magiging romantic­ ang aming relasyon pero hindi. Na­walan na ng hilig sa pagtatalik ang misis ko pero ako’y may init pa.

Mahigit isang taon na kaming hindi nagtatalik dahil ako na ang kusang sumuko. Kasi, tuwing mangangalabit ako ay ayaw niya at nagagalit.

Mauunawaan kaya ng Diyos kung ako’y humanap ng ibang kandungan? Hindi ko naman siya hihiwalayan kundi kukuha lang ako ng babaeng makakatugon sa aking pangangailangan.

Isagani

Dear Isagani,

Mabait ang Diyos pero hindi kunsintidor. Una­ wain mo na lang ang iyong misis at baka nasa menopausal stage na siya. Iba-iba ang sintomas ng pagiging menopause.

May ibang babae na nagiging palahanap pero nagkataon na ang misis mo ay kabalik­taran.

Ang pag-ibig naman ay hindi lang puro sex. Kumbaga sa batang lumalaki, may mga bagay tayong kinalalakihan na dapat nang isaisantabi.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

AMERIKA

BRUNEI

DEAR ISAGANI

DIYOS

DR. LOVE

INAAASAHAN

ISAGANI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with