^

Dr. Love

Selosang girlfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nang ligawan ko ang girlfriend ko, wala akong kaduda-dudang mahal ko siya. Maganda, mapagmahal at mahinhin. Bagay na hanap ng sino mang lalaki sa magiging kasintahan.

Tawagin mo na lang akong Rudolf, 28 anyos. Naging magkasintahan kami ni Delia at apat na buwan na kami ngayon.

Kaso, nakita kong napaka-possessive niya. Gusto niya bawat galaw ko ay inire-report ko sa kanya. Kailangan, tatawagan ko siya sa ganitong oras.

Napakaselosa pa niya kahit tapat ako sa kanya at walang ibang kasintahan.

Nagbago ang impresyon ko sa kanya at parang unti-unting nawawala ang pag-ibig ko. Dapat ko ba siyang i-break?

Rudolf

Dear Rudolf,

Kulang kayo ng komunikasyon. Dapat maglaan kayo ng oras upang pag-usapan ninyo ang mga bagay na gusto at ayaw ninyo sa isa’t isa.

Bago ka gumawa ng marahas na hakbang gaya ng pakikipag-break, mag-usap kayo nang masinsinan. Sabi nga, walang problema ang hindi nalulutas ng maayos na pag-uusap.

Dr. Love

 

vuukle comment

BAGAY

DAPAT

DEAR RUDOLF

DELIA

DR. LOVE

KAILANGAN

KASO

MAGANDA

NAGBAGO

RUDOLF

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with