Laging talo sa pag-ibig

Dear Dr. Love,

Isa po akong tomboy, nagsimula ako sa ser­yosong relasyon sa kabaro noong nasa college­ na ako. Takbuhan lang ako kung tutuusin ni Amanda sa tuwing nagkakaproblema sila ng kanyang boyfriend. Nang mag-split sila, kami na ang naging magkarelas­yon. Halos sagutin ko na ang lahat para kay Amanda, kasama na ang tuition fee niya. Pero ang malungkot nang makatapos siya, humingi siya ng kalayaan dahil nakita na raw niya ang true love niya.

Sa ikalawang pagkakataon, umibig uli ako at naging karelasyon si Daisy. Hiwalay siya sa asawa at may tatlong anak, na iba-iba pala ang tatay. Dahil mala-padre de pamilya ang estado ko sa aming relasyon, mula public ay inilipat ko sa private school ang mga bata.

Akala ko okey na pero natutong mag-casino si Daisy at nagsimulang humina ang furniture business ko. Pinayuhan ako ng mga kaibigan ko na hiwalayan si Daisy dahil ginagawa lang akong palabigasan at ganun na ang nangyari.

Muli akong kinatok ng pag-ibig sa ikatlong pagkakataon, si May naman na isang OFW at nagtatrabaho bilang caregiver sa US. Dala­gang ina siya, kaya sa akin niya iniiwan ang bata habang nagtatrabaho.

Mahal ko po si May at napamahal na rin sa akin ang anak niya na ngayon ay kindergarten na. Minsan ay sinabihan ko siya na tulungan na lang ako sa aking negosyo para hindi na niya kailangan lumayo. Pero mahigpit ang pagtutol niya. Sinabi pa niya na ihatid ko na lang sa kanyang kapatid ang bata kung nagsasawa na ako sa pag-aalaga.

Bakit po hindi ako makatagpo ng tunay na magmamahal sa akin? ‘Yung hindi pera ang nakikita o anumang mamanahin ko sa magulang. Ganito na lang po ba ang kapalaran ng isang tulad kong nabibilang sa third sex?     

Gumagalang,

Dyna

Dear Dyna,

Ang katotohanan sa buhay, ang babae ay para sa lalaki; ‘yun ang may katiyakan. Ano pa man ang mga pagbabago sa kaisipan na hatid ng modernong mundo, hindi nito mababago ang tunay at totoo.

Ang maipapayo ko sa iyo, bigyan mo ang sarili ng pagkakataon na matuklasan ang kato­to­hanang sinabi ko para matamo mo ang katiyakang hangad mo sa buhay. I guarantee, reading­ bible is the best way. Kasama mo ako at ang pitak na ito sa panalanging mapasaiyo ang seguridad na hangad mo sa iyong love life.

Dr. Love

Show comments