Dear Dr. Love,
Hindi ko inaasahang pagkaraan ng dalawang taon, muli kaming magkakaroon ng komunikasyon ng dati kong nobyo na humihingi ng sorry sa pakikipagkalas niya ng relasyon at pagpapakasal sa babaeng pinili ng kanyang mga magulang.
Nagamot ko na sana ang sugat ng puso na kanyang nilikha sa pagtalikod niya sa aming relasyon dahil ang gusto ng kanyang mga magulang ay mayamang manugang.
Pero deep inside me, parang excited ako sa pagtawag niya sa akin para ipaalam na nagsisisi siya sa pagpapakasal kay Digna.
Bigyan ko raw siya ng pagkakataong makaÂusap ako ng personal para makita ko ang naging epekto ng ginawa niyang pagÂtalikod sa aming pag-iibigan.
Ipinabatid ko sa kanya na napatawad ko na siya sa kaapihang ginawa niya. Masaya na ako at nakapag-move on na.
Pero iginigiit niya na magkita kami for old time sake.
Curious ako na makita si Dante pero dahil nga mayroon pa akong nararamdaman para sa kanya, baka hindi ko mapigil ang sarili at pumayag ako kung mayroon man siyang ibang balak sa pagkikitang ito.
Payuhan mo po ako. Dapat ko bang panindigan ang pagtanggi sa kahilingan ng aking ex?
Gumagalang,
Vina
Dear Vina,
Mayroon nang asawa si Dante at kahit pa sabihing hindi siya masaya sa ginawa niyang pagpapakasal sa dating karibal mo, nakatali pa rin siya sa babaeng iyon na pinili ng kanyang mga magulang para sa kanya.
Yaman din lang na aminado kang baka hindi mo mapigil ang sarili kung mayroong ibang balak ang ex boyfriend mo sa pagkikita ninyo, makabubuting kitilin mo na ang sinasabi mong curiousity.
Sapat na marahil na mabatid mo na piÂnagsisihan niya ang pakikipagkalas niya sa inyong relasyon. Hindi mo na dapat pang palalain ang problema mo sakali’t magkabalikan kayo dahil nananatili siyang kasal sa asawa niya.
Dr. Love