Dear Dr. Love,
Bago ko pasimulan ang paglalahad ng aking problema ay hayaan mo munang ipaÂabot ko sa iyo at sa staff ng PSNGAYON ang aking mainit na pagbati.
Tawagin mo na lang akong Honey, 26- anyos at may dalawang anak sa aking asawa na namatay noong isang taon. Maagang binawi ng Diyos ang aking asawa dahil sa isang aksidente sa motorsiklo.
Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho ako bilang call center agent at sa loob ng limang buwan kong pagtatrabaho rito ay naging close kong kaibigan ang isa sa mga katrabaho ko.
Ewan ko kung ano ang nangyari. Hindi naÂman kami nagligawan o nagkagustuhan. Friends lang talaga ang turing namin sa isa’t isa. Pero nangyari ang bagay na hindi dapat mangyari.
Minsang sabay kaming umuwi, kumain muna kami sa isang fastfood restaurant at pagkatapos noon ay nagpunta kami sa isang motel. Hindi ko maintindihan ang aking sarili at dahil lamang sa “katuwaan†ay malaya kong ibinigay ang aking sarili sa kanya.
Afterwards ay guilting-guilty ako pero para sa kanya ay okay lang. Simula nang mangyari ‘yun ay hindi na ako naging close sa kanya.
First time ko lang ginawa sa buhay ko ito at bagama’t three months na ang nakalilipas ay sinusumbatan ako ng aking konsensya.
Ano ang gagawin ko para mawala ang guilty feelings na ito?
Honey
Dear Honey,
Nagkamali ka. That’s it. Ano ang ginagawa ng tao kapag siya’y nagkakamali? Eh ‘di itinuÂtuwid ang kanyang sarili para huwag nang maulit ang kasalanan niya.
Magsisi ka at humingi ng tawad sa Diyos at kung maaari, huwag ka nang masyadong makikipag-close sa sinasabi mong kaibigan. Tama ang ginawa mong pagdistansya sa kanya. Kapag hindi ka dumistansya sa kanya ay malamang matukso kayong muli.
Hindi ko rin siya masisisi dahil sabi nga, “it takes two to tango.†Kung hindi ka pumaÂyag sa gusto niya ay hindi sana naganap ang pagkakamaling ‘yun.
Dr. Love